Weird Dream

2 views
Authorsuperstarrrr
Created
Tags dream 

I had a weird dream just awhile ago. At dahil dito, di na ako makatulog (damn :()

 

sa bahay namin, yung kwarto ko, may 2 siyang closet. Yung isa nasa harapan ko, pero malayo siya kasi malaki naman ang kwarto ko. Yung isa naman nasa gilid. So yung nasa harapan ko, yun yung weird na closet. Kasi as in, ever since daw, may nangyayare ng mga kababalaghan doon.

 

So yung papa ko naman, yung shirt niya nasa electric fan, nakasampay black siya. Then nagulat siya may nakaprint na shrek doon. Masyadong weird talaga. Tapos yung pinaka una, dahan dahan na nagopen yung closet ko (exact yung design pero hindi exact ang kung paano yung parang sa loob? Basta XD), pagmay ginagawa, medyo gagawa ng kakaibang ingay yung closet pero sa loob. As in kapag nakasara yung pintuan ko, di mo masyadong rinig yung tunog, pero pagbukas, sobrang lakas! Like omfg. 

 

Then, nadun daw yung lola namin. Pati yung pinsan ko tsaka mama niya. Edi umihi ako, tapos naweirdohan daw sila sa kwarto ko. Tapos nung isang time daw, may nangyare, may babaeng lumabas, red haired siya. Kung may nakita kayo na isang red haired girl tsaka isang blonde, tapos sabi nila Taeny daw yun, yung red ang buhok siya yun. Tapos kiniss niya daw ako tas may nangyare sa amin (wtf bakit ko pa ba sinali tong part) and then the next day, wala na siya. Galing kasi siya sa closet, tas yun. Nagbihis nalang ako tsaka lumabas ng kwarto ko.

 

Pumunta ako sa labas saglit nung nagsara yung pintuan ng kwarto ko. Tapos may  naririnig sa loob, this time iba na. Tapos biglang bumukas ulit, pumasok na ako. Binuksan ko yung closet tas alam niyo yung parang sa timezone? Yung nilalabasan ng ticket, ganun daw yung sa closet ko, medyo mas mahaba. Tas biglang narinig ko yung pagmayginagawa sa loob ng closet? Yung tunog na iyon daw , nagulat ako ng may lumabas dun sa parang labasan ng ticket, kamay siya, tapos dahan dahan. Naexcite ako kasi akala ko siya yung babaeng pula ang buhok. Pero, natakot ako nung nakita ko na yung kamay, yung pinky, middle amd thumb niya na kuko may dugo. Lumabas agad ako tsaka sinabi sa mama ko. 

 

Tapos nagsara nanan yung pintuan paglabads ko. Inopen namin siya ni papa kasi kaming dalawa yung ginaganun. Pagbukas namin, mga hanger at may damit, nakasabit na sa ceiling. (Yun lang yung part na naalala ko. Pero hindi lang yun yung nangyare) edi sypre dahil sa takot ko, sinabi ko kay papa na sabihin na sa pulis. Pero di siya nagsalita.

 

the next thing, nasa dining room kami kumakain, noong una everything seems normal nung biglang nagsara yung kwarto ko. And then nagopen ulit tapos nagsara and open. Sinabi ko na kay papa na pumunta na kami sa prisinto which is pumayag na siya. Agad kaming pumunta, kasama ko si mama. Si lola ko tita kuya papa 2 pinsan ko at mama pumunta na. Nung malapit na ako sa gate. Huminto ako at lumingon. Doon, nakita ko qng apat na parang seminaryo na nakatayo, may takip yung mukha nila na black ag mqy tali sa leeg. Tapos sa gitna, si pope at yung bishop. Hindi ko na kinaya yun at parang feeling ko hihilajn nila ako, kaso nagising ako hahaha :( natakot talaga ako jan..

Comments

You must be logged in to comment.

yoonelysian 8 years ago
its like a mix of fantasy na horror.
.____.
ang weird nga, pero ok ka lang? :)))
Log in to view all comments and replies