51 views
Created
Status [M]

Isang tagay pa
Para sa lahat ng alaala
Isang tagay pa
Para sa unang araw na tayo ay nagkita
Isang tagay pa
Para sa araw na sinabi mo saakin
Na mahal mo din ako,sinta
Isang tagay pa para sa bawat mahal kita, miss na kita at mag-iingat ka
Isang tagay pa,
Para sa lahat ng pangarap natin dalawa
Isang tagay pa
Para sa pangako na habang buhay magsasama
Isang tagay pa
Para sa lahat ng problema na hinarap natin nang magkasama
Isang tagay pa
Para sa gabi na tumawag ka at sinabi mo na di mo na kaya
Isang tagay pa
Para sa gabi na sinabi mo na ayaw mo na
Isang tagay pa
Para sa lahat ng pangako mo sinta
Isang tagay pa
Para sa bawat mahal kita na di ko na masasabi sayo dahil wala ka na
Isang tagay pa
Para sa sakit
Isang tagay pa
Para sa lahat ng pait
Isang tagay pa
Para sayo sinta..

Isang tagay pa..
At isa pa..
At isa pa..
Hanggang sa makalimutan na kita
Isang tagay pa,
Hanggang sa matanggap ko na wala na talaga..
Isa pa..
Isa pa..

Huling tagay na..
Pero bakit mahal parin kita?

Comments

You must be logged in to comment.

orenjiboo 6 years ago
naku, nakailang tagay ka na ng tubig ngayon ha?
hinayhinay lang po, di mauubos ang tubig.
char
ISANG TAGAY PA
PARA SA UTANG MONG 250
TANGINA BES MAGPAKITA KA NA
WAG GANYANAN


jokejoke e w e
DemonEater 6 years ago
HOY! SORA TIGIL TIGILAN MO NA YAN!
UWI KA NA AT MAY MAS MAGANDA PA NA BABAE DIYAN
sevendays 6 years ago
tama na yan!!! uwi na!!! hahaha
Log in to view all comments and replies