Hinto

110 views
Authorbrownpiano
Created
Tags comfort tagalog 

humihiling ka na sana tumigil ang lahat, na tumigil mundo. kaya ikaw mismo ang huminto, umaaasang ang mundo ay susunod sa yapak mo. pero patuloy parin ito sa pag-ikot, at hindi ito titigil para lamang sayo. huminga ka ng malalim, at wag kang huminto. huminga ka ng malalim, sumunod ka sa pag-ikot ng mundo, hayaan mong ikaw ay hampasin ng alon, hayaan mong ipagkait sayo ang mga hinihiling mo, hayaan mong yakapin ka ng mga unos. darating ang araw na lahat ng pasa at bakas ng paghihirap ay tatawanan mo. huminga ka ng malalim, wag na wag kang hihinto.

—combustingcolours

Comments

You must be logged in to comment.

-dulcet 7 years ago
hinto linto pinto
Log in to view all comments and replies