♕ cliques

CLIQUES

 

Queenka. Ang mga pinakamayayamang babae sa school na walang ibang nalalaman kundi ang magpaganda. Paminsan-minsan, sila din yung mga mean girls ng school kaya medyo marami rin silang haters, pero usually they can easily be get along with, yun nga lang kung alam mo kung anong gusto nila.

Kingka. Parang boy version lang ng mga queenka. Kingka nga diba? Wala ring ibang alam kundi magpapogi at man-trip ng iba paminsan-minsan. Maaangas. Pakiramdam nila sila na yung mga pinakapogi sa school... well probably totoo naman. Pero talaga, ang yayabang nila. Pero dahil nga katulad rin sila ng mga queenka, mababait rin naman ang mga 'to pag nagkataon.

Nerds. Mga wala ibang ginagawa kundi mag aral, mag aral, mag aral. Ayan tuloy, minsan sila rin yung laging pinagtitripan sa school. Laging suki sa mga nanghihingi ng sagot sa assignment at exams. Pero kahit ganun, sila yung mga pinakamababait na estudyante. Pero pag ang mga nerd napuno na, ewan ko na lang. End of the world na yata?

Gangsters. Super opposite ng nerds. Walang ibang alam na gawin kundi mag cutting classes at tumambay sa rooftop. Ano ba kasing meron sa rooftop?! Mga suki 'to sila ng principal's office kasi antitigas ng ulo, pero nakakalusot rin kaya ayun, hindi nae-expel. Mga sira ulo rin paminsan minsan.

Class clown. Kung sira ulo ang mga gangsters, pwes mas sira ulo ang mga to. Laging nagpapatawa. Isang joke lang galing sa kanila, buo na ang araw mo sa sobrang saya. Minsan corny yung mga jokes nila pero tinatawanan na lang. Suki din paminsan-minsan sa principal's office kasi laging nanloloko ng iba, pero nakakalusot rin.

Dance club. Syempre, mga dancer ang mga 'to! Ito yung mga studyanteng laging pambato ng school sa mga contest in and out of the country, and they never fail to make the academy proud kasi lagi rin silang nananalo. Yung iba sa kanila mga masusungit kasi nga puro sayaw nalang ang nasa isip, pero okay rin naman yung iba.

Music club. Mga laging tumatambay sa music room! Mga matatahimik. Kapag may nakikita kang taong nasa isang corner lang ng room at nagsusulat, walang duda, member yun ng music club. Nagsusulat yun ng kanta. Malamang. Nag iingay lang ang mga to pagdating sa kantahan or pagtugtog ng instruments, at sadyang amazing rin naman lahat sila.

Literary club. Mga writers. Wala rin ibang alam gawin kundi magsulat nang magsulat. Mga taong wild ang imagination. Mga unang nakakaalam ng news sa school kasi sila rin yung mga nagsusulat para sa school publication. Outgoing rin sila kahit papano, at dahil nga alam nila ang mga pangyayari sa school, close sila sa halos lahat ng estudyante.

Sports club. Basketball, volleyball, soccer, badminton... Kahit anong sport na yan, name it! Lahat ng maykayang gawin yan nandito. Syempre. Ito yung mga suki sa gym ng school for training or simpleng work out lang. Mga malalaki ang katawan. Mga may muscles. Laging nananalo rin pag ginagawang pambato ng school sa interschool competitions.

Kathryn Bernardo [A] 10 years ago
/kinuha yung v-card. *u*

Comments

You must be logged in to comment.

harijjyi 9 years ago
http://www.asianfanfics.com/story/view/792787/calling-all-them-filipino-rp-ers-filipino-roleplay-help-alternateuniverse-exo-crackships
seulgi 9 years ago
hey, is this still open?
as_uee 9 years ago
Applied as Ella Cruz
GrayAceIdentity 10 years ago
applied as Julia Montes
SuJuStar 10 years ago
applied as julia barretto
boraginaceae 10 years ago
Applied as Janella Salvador :3
ihysm_ 10 years ago
applied as julia barretto
-allicient 10 years ago
pwedeng pakiadd at pareserve po si bea binene thanks
Log in to view all comments and replies